Headlines News :
Home » » IMPORTANCE OF UNDERSTANDING THE KINGDOM OF GOD AND THE FALLEN WORLD

IMPORTANCE OF UNDERSTANDING THE KINGDOM OF GOD AND THE FALLEN WORLD

Written By Jmie on Friday, February 1, 2013 | 10:04 AM



Written by:  Joey Dela Cruz




Bilang mga kristiyano dapat malaman natin ang kahalagahan ng kung ano ba ang mayroon sa Kaharian ng Diyos.Tayo ang pinaghaharian ng Diyos at Siya ang Hari na dapat masunod sa mga puso natin.Siya ang may batas na ipinatutupad at tayo naman ang kanyang mga ambassador.Kung saan nirerepresent natin ang Kaharian ng Panginoon sa langit dito sa mundo.
At bilang mga kristiyano paano ba tayo magiging isang epektibong manggagawa?Paano tayo mamumuhay sa sanlibutan samantalang tayo ay heaven citizens?Paano natin malalaman kung ano ba talaga ang purpose ng Panginoon kung bakit bumaba siya sa lupa at  kung ano naman ang purpose natin kung bakit tayo nandito sa lupa ?Paano ba naging epektibo ang Panginoon nung araw na nanatili siya kasama ng mga tao. At ang pang huli kong katanungan ay kung paano rin ba tayo magiging epektibong mangagagawa ng Panginoon?
Masasagot po natin ang mga tanong na yan basta iconnect natin ang ating mga sarili sa Kingdom of God. Irelate natin ang ministry ng Panginoon at ang gawain ng sanlibutan.

The Lord Jesus Christ: What kind of king is He?
1.) It was prophesied in Daniel 7:13-14 and Isaiah 9:6-7 that the Lord Jesus would be a great King.
-binigyan siya everlasting dominion,glory and a Kingdom upang ang lahat ng mga tao ay maglingkod sa kanyang kaharian.
-pero sa isang iglap…
Tingnan po natin sa
Lucas 23:37”sinabi nila ,kung ikaw ang Hari ng judio,iligtas mo ang ang iyong sarili.”

  Si Jesus nung nabubuhay dito sa lupa ay napakaraming sakripisyo ang ginawa ng Panginoon para sa mga tao.Nagpagaling ng may sakit,nagturo,binigyan ng pag asa ang mga tao upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.Pero sa kabila nun ay pinarusahan pa rin siya ng mga tao,pinahirapan,dinuran sa mukha,hinagupit at binigyan ng koronang tinik sa ulo,sa tingin ninyo gusto ng Panginoon ng ganung parangal?
Sa totoo lang hindi hinahangad ng Diyos ang reward dito sa lupa. Dahil ang reward ay nasa ating amang nasa langit.Ginagawa lang niya kung ano ang kalooban ng Panginoon.
Ganun din tayong mga kristiyano,nagtitiis tayo ng paghihirap dito sa lupa upang maging epektibong maggagawa tulad ni Jesus naging epektibo siya sa mga tao.At hindi upang angkinin ang reward na iginagawad ng sanlibutan.Dahil ang tunay na reward natin ay nasa langit.

John 18:36 “sumagot si Jesus “ang Kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito.Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian,ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio.Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian.

Dito ipinaunawa sa akin ng Panginoon at inereveal niya sa akin kung bakit ganun ang ginawa ni Judas sa Panginoon.
-inereveal niya sa akin kung ano ang saloobin ng Panginoon at kung ano ang saloobin ng tao.

Dahil ang saloobin ng Panginoong Jesus ay sundin ang kalooban ng Ama. Hinayaan ng Panginoon na madakip siya at ipagkanulo ng alagad niya dahil iyon ang kalooban ng Diyos. At ang saloobin naman ng tao ay sundin ang kalooban ng kaaway. Kaya nga sinuplong ni Judas si Jesus dahil ang sinusunod niya ay ang saloobin ng sanlibutan.
Kaya pumunta si Jesus dito sa lupa ay upang baguhin ang hugis ng puso ng tao upang masunod nila ang kalooban ng Diyos. Pero matigas pa rin ang ulo ng tao. Ayaw nilang sundin ang kalooban ng Diyos,nagrerebelde sila.

2.) it was prophesied in Isaiah 52:13 that “He will be high and lifted up and greatly exalted”.

-Dito ipinapakita hindi lang yung future glory ng Panginoon kundi yung glory ng Panginoon nung nandito pa siya sa lupa.

Isaiah 52;13 “sinabi ni Yahweh,”ang lingkod ko’y magtatagumpay sa kanyang gawain,mababantog siya sa kanyang gawain.

At nung malapit na siyang ipako sa krus nakita ng mga tao na siya ay itinataas ng mga ito sa krus.Ang sanlibutan ang gusto nila itaas ang Panginoon sa pamamagitan ng pagpako nila sa krus.
Pero ang totoong plano ng Panginoon ay makita siya ng mga tao at siya ay maitaas ang kanyang kadakilaan.Maitaas ang kanyang Pangalan.

Juan 13:8 “sinabi sa kanya ni Pedro,”hinding hindi ko po pahuhugasan ang aking mga paa”.kung hindi kita huhugasan,wala kang kaugnayan sa akin,”tugon ni Jesus.

Kung mapapansin natin yung pangyayari na hinugasan ni Jesus ang mga paa ng mga alagad si pedro ay ayaw magpahugas ng mga paa.
Gusto ng Panginoon na linisin tayo dahil hindi pa tayo ganap na malinis.Pero ayaw nating magpalinis.Maaring tinubos na tayo ng Diyos at nilinis na ang ating mga kasalanan pero sapat na ba yun para totally maging malinis ka?Dapat may kasamang pagsunod tayo sa Panginoon kapag gusto tayong icorrect ng Panginoon,dapat ay magpacorrect tayo dahil maaring nilinis nga tayo ng Diyos pero ang mga paa naman natin ay marumi.Dapat lumakad tayo na ang mga paa natin ay malinis.Malinis na sumusunod at lumalakad sa katwiran ng Panginoon,upang maging ganap tayong maging malinis.

NGAYON ALAM NA PO NATIN KUNG ANONG KLASENG HARI ANG PANGINOON,SIYA ANG BUMABAGO NG PUSO NATIN.

THE KINGDOM OF GOD AND THE FALLEN WORLD

Inaagaw ng kaaway sa atin ang ibinigay ng Diyos na karapatan natin na mamahala sa lahat ng mga bagay.Dahil ang gusto ng kaaway ay siya ang mamahala ng lahat.
At imbes na mapabuti tayo at may mamanahin tayo mula sa Diyos,ang ginagawa ng kaaway ay nililinlang niya tayo upang huwag natin makuha ang mana na ibinibigay ng Diyos.

Genesis 3:6 “napakaganda sa paningin ng babae ang punong kahoy at sa palagay niya’y masarap ang bunga nito.Nabuo sa isipan niya na mabuti ang maging marunong ,kaya pumitas siya ng bunga at kumain.Kumuha rin siya para sa kanyang asawa,at kumain din ito.


Halimbawa nalang ng paglinlang ng diablo kila eba at kay adan. Inilagay sa isip ng tao na mas mainam na maging marunong kaya pumitas sila ng bunga.

-bakit marunong pa ba ang tao kesa sa Diyos?Bakit alam ba ng kaaway kung ano ang makakabuti para sa atin?

Kinain nila ang bungangkahoy na ipinagbabawal ng Diyos.Kaya nahiwalay sila sa Diyos at nawala sa kanila ang mana.Tandaan po natin na tayo ay tagapagmana ng Panginoon. At huwag natin ibigay sa iba dahil pinaghirapan ng Panginoon yan para lang ibigay sa atin,pinaghirapan niya lahat para lang yumaman tayo.Nagpakadukha siya para yumaman tayo.
-nakita ko rito na parang gusto nilang higitan ang Panginoon.Sinusunod nila ang kanilang sariling kagustuhan.At tulad ng nangyari kay satanas.

Isaias 14:12-15 “Ikaw ay nahulog mula sa langit,Tala sa umaga,Anak ng Bukang liwayway!Bumagsak ka rin sa lupa,ikaw na nagpasuko sa mga bansa!Palagi mong sinasabi:aakyat ako sa kalangitan,sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos,itatayo ko ang aking luklukan.Uupo ako sa ibabaw ng bundok sa hilaga,sa dakong pulungan ng mga Diyos.Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap,papantayan ko ang kataas taasan.Ngunit anong nangyari?Ano’t nahulog ka sa Sheol?Ano’t nalibing ka sa kalalimang walang hanggan.

Dito nireveal ng Panginoon ang pagrerebelde sa kanya nito.Dahil gusto niyang siya ang masunod sa sarili niya,ayaw niyang magpasakop sa authority ng Panginoon,puwes! Ibabagsak siya sa kanyang paghahangad na maging mas mataas pa sa Diyos.
Sa buhay ng isang Kristiyano dapat naman talaga na magpasakop tayo sa authority ng Panginoon,at hindi sa bibig lang nanggagaling kundi mula sa puso.Pusong may totoong may pagsunod sa Panginoon.

1juan2:17”mapaparam ang sanlibutan at lahat ng kinahuhumalingan nito;ngunit ang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.



Share this article :

0 comments:

Speak up your mind

Tell us what you're thinking... !

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Proudly powered by Blogger
Copyright © 2011. Amazing Touch Of Jesus Christ Church - All Rights Reserved
Template Design by Creating Website Published by Mas Template